BUS PAPAYAGAN NA SA GCQ

bus12

PUPUWEDE nang makabiyahe ang mga pampasaherong bus sa sandaling maibaba ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Pero ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, limampung porsyento lang ng kapasidad ng mga pasahero ang maisasakay sa bawat bus.

“Under GCQ, ang buses papayagan na rin ‘yan pero 50% capacity at mayroon dapat provisions diyan ng minimum health standards,” ayon sa kalihim.

“Yung mga upuan niyan ay hindi talaga dapat uupuan lahat, may alternately, nasa kanan yung una, yung susunod nasa kaliwa and so on and so forth,” dagdag nito.

Ipinahayag pa ni Ano na ang mga terminal ng bus ay kailangang magpatupad ng “log-in” system sa kanilang mga pasahero para sa posibleng contact tracing.

Samantala, pahihintulutan ang pagbiyahe ng jeep kung nabago ang kanilang upuan at aprubado ng Department of Transportation.

“Ang problema kasi sa traditional jeepney magkakalapit at magkakaharap, kapag dumaan ‘yung pasahero diyan ay talagang almost face to face na rin ‘yung kanilang distansya. So one way is to reconfigure the seats and have it approved by DOTr and probably it’s time na siguro na magmodernize jeepney na tayo,” ayon kay Ano.

Gayunman, pupuwede naman aniya na gamitin ang jeep sa deliveries. JEFF TUMBADO

84

Related posts

Leave a Comment