BUWANANG PENSYON SA LAHAT NG SENIOR CITIZEN

seniors44

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI lang ang mga mahihirap na senior citizen ang makakatanggap ng buwanang pensyon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kundi lahat ng matatanda sa bansa kapag naipasa panukalang ihinain ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Rep. Paolo Duterte.

Sa ilalim ng House Bill (HB) 5632 na inakda ng batang Duterte kasama sina Davao City Rep. Isidro Ungab at Vincent Garcia, nais nilang mabigyan ng P500 na buwanang pensyon ang lahat ng senior citizen sa bansa, mahirap man o hindi.

Base sa Republic Act (RA) 9994  Expanded Senior Citizens Act of 2010, tanging ang mga senior citizens na mahihirap,  may sakit, may kapansanan, walang financial assistance sa kanilang mga kaanak at walang pensyon muna sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) ang nakatatanggap ng P500 buwan-buwan.

Gayunpaman, sinabi ng mga nabanggit na mambabatas sa kanilang panukala na maraming senior citizen ang sumusuporta pa rin sa kanilang pamilya at apektado din ang mga ito sa pagtaas ng mga bilihin kahit may natatangap na suporta ang iba sa kanila.

“Thus, this proposed measures seeks to grant the social pension, as an additional government assistance, to all senior citizens in the country, whether they are indigent or not,” paliwanag ng grupo ni Duterte.

Maliban dito, malaki ang naitulong ng mga senior citizens sa gobyerno at ekonomiya ng bansa noong kanilang kapanahunan ng mga ito kaya kailangan lamang anilang suklian ito ng estado.

“This will ease the burden of the DSWD personnel and other local offices in the evaluation of senior citizens who will qualify to avail the monthly social pension,” dagdag pa ng nasabing mambabatas.

 

 

157

Related posts

Leave a Comment