BUWIS SA ONLINE SELLERS, INALMAHAN

INALMAHAN ni Senador Risa Hontiveros ang plano ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na magpataw ng buwis sa mga nagsasagawa ng online selling.

Iginiit ni Hontiveros na sa halip na online sellers, dapat unahing singilin ng gobyerno ang P50 bilyong hindi pa rin nababayarang buwis ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Ipinaliwanag ng senador na maliit lamang ang kita ng nga online seller na pandagdag lamang nila sa pang-araw-araw na gastusin kaya’t hindi makatarungan na perwisyuhin pa sila ng BIR.

“Bakit ba ang luwag natin sa POGO pero ang lupit sa mga Pilipino?”tanong ng senador.

“Kahit na may 50B pesos unpaid taxes sila, at kahit na di essential, pinayagan pa ring mag-operate sa ilalim ng ECQ.

Mayroon din silang mass testing, at tayo wala,” diin pa nito.

Nanawagan ang mambabatas sa gobyerno na unahin ang kapakanan ng mga Filipino. (DANG SAMSON-GARCIA)

68

Related posts

Leave a Comment