‘BUY LOCAL’ ISINULONG SA PAGBANGON NG PINOY ENTREPRENEUR

DAPAT suportahan ng lahat ang inisyatiba na isulong ang “buy local” para makatulong sa mga Pinoy entrepreneur na kumita sa harap ng pagbagsak ng ekonomiya sanhi ng pananalasa ng corona virus 2019 (COVID-19).

Para kay Senador Cynthia Villar, mas naging makabuluhan ang katagang “Tangkilikin ang sariling atin,” sa gitna ng maigting na panawagan ng pagsuporta sa mga lokal na produkto, sa nararanasan ng bansa na mahinang ekonomiya, epekto ng pandemya na COVID -19.

Ipinahayag ito ni Villar, bilang pagsuporta sa mga pagkilos at panawagan tulad ng ‘Buy Local’ at ‘Buyanihan’ na layong hikayatin ang ating mga kababayan na tangkilikin ang mga produkto at serbisyo ng mga lokal na negosyante.

“Our micro, small and medium entrepreneurs (MSMEs) suffered because of the pandemic. It is hightime we give premium to the mantra “Tangkilin ang sariling atin,” and really make it a point to buy Filipino products,” ayon kay Villar.

Dagdag pa nito, “There is a need to inculcate in each Filipino the wisdom of supporting our very own Filipino made products, and in the process, give due recognition to Filipino producers whose creativity and ingenuity brought us products and services which can be considered world-class.”

Sinabi ni Villar na siyang Chairperson ng Senate Committee on Agriculture, Food, Agrarian Reform, Environment and Natural Resources na sa ngayon ay mayroong tumataas na demand para sa lokal na produkto, lalo na sa mga social media at mga online selling site.

Pinuri rin ng senador ang mga MSME na natutong makaagapay sa mga problemang dala ng pandemya. Sinabi nito na sa pamamagitan ng online selling ay naaabot ng mga local seller ang mga consumer sa panahon ng quarantine, kung saan marami ang hindi nakalalabas ng kanilang tahanan.

Binigyan-diin ni Villar na ang mga MSME ay isang mahalagang bahagi ng ating ekonomiya. Noong 2017, ipinahayag ng University of the Philippines Institute for Small-Scale Industries na ang mga MSME ay bumubuo sa 99.52% ng mga rehistradong negosyo sa Pilipinas at nagbigay ng trabaho sa higit sa 62.9% ng mga Pilipinong manggagawa. ESTONG REYES

138

Related posts

Leave a Comment