Bwelta kina Carpio at Del Rosario PINOY NILALAGAY SA PANGANIB SA WPS

0

DAPAT nang itigil nina Retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio at dating Foreign Secretary Albert del Rosario ang ginagawa ng mga itong panlilihis at paglalagay sa panganib sa mga Filipino gamit ang kanilang “illegal” statements ukol sa West Philippine Sea (WPS).

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay tugon sa patuloy na pambabatikos nina Carpio at del Rosario sa maingat at kontroladong pagtugon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa usapin ng WPS.

Hindi naman kaila sa lahat na kinikilala ng pangulo ang ‘territorial and maritime claims’ at karapatan sa WPS subalit binigyang diin nito na ang pag-angkin at karapatan ng bansa ay pinagtatalunan din ng ibang mga estado.

Tinukoy ang international law, sinabi ni Sec. Roque na ang Pilipinas ay kinakailangan i-promote ang ‘claims and entitlements’ nito at maging pamahalaan at lutasin ang pagtatalo sa pamamagitan ng “peaceful and legal means”.

“All of these means start and end with negotiation. Even when countries implement decisions under UNCLOS [United Nations Convention for the Law of the Sea], they must negotiate,” ani Sec. Roque.

Giit ni Sec. Roque na ito ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang pangulo na ipatupad ang “careful, calculated, calibrated” policies sa WPS sa pamamagitan ng consistent na paggigiit ng ‘claims and entitlements’ nito sa bilateral talks sa China t sa multilateral fora gaya ng United Nations. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment