Bwelta ng Malakanyang sa pagsasabing sila ang tagapagsalita ng taumbayan 1SAMBAYAN BOSES LANG NG BARANGAY

0

PINAYUHAN ng Malakanyang ang political opposition na hintayin na muna ang eleksyon sa susunod na taon para makita kung talagang itatakwil o ire-reject ng taumbayan ang mga kandidato ng administrasyon.

Kumpiyansang sinabi kasi ng opposition coalition 1Sambayan na itatakwil ng mga Filipino ang Duterte-Duterte tandem sa Eleksyon 2022.

“See you on election day. Taumbayan po ang magdedesisyon diyan,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

“Malalaman lang natin ang desisyon ng taumbayan pagkatapos ng eleksyon, kaya dapat magka-eleksyon tayo,” dagdag na pahayag nito.

Nagtataka naman si Sec. Roque kung bakit pilit na inaangkin ng oposisyon na maging tagapagsalita ng taumbayan.

“Kung titignan niyo ang surveys, wala pa pong limang porsyento ang hindi sumusuporta sa ating presidente. So mag-ingat po tayo,” aniya pa rin.

“Bagama’t sinasabi nating kayo ay boses ng taumbayan, baka boses lang kayo ng isang barangay,” dagdag na pahayag nito.

Sa ulat, sinabi ni Atty. Howard Calleja, isa sa mga convenors ng 1Sambayan na “We feel that this is an insult to the Filipino people and we feel that whatever happens, we trust the Filipino people will see this as a selfish move. Nothing to the benefit of the people, but only to perpetuate power to one family.”

Sinabi ri ni Calleja na labag sa Konstitusyon ang posibleng pagtakbo ni Pangulong Duterte bilang bise-presidente.

“It goes against the letter, intent, and the spirit of the Constitution. And not only that, (but) it also violates, especially if Mayor Sara will run as well, then it violates as well the basic constitutional prohibition against political dynasty to the very hill because it is a dynasty to the national level,” paliwanag nito.

Tinawag din ni Calleja ang tambalang Duterte-Duterte bilang “Davao formula.”

“Wala na bang iba? Ang ibig sabihin lang nito ‘yung PDP-Laban wala na sila ibang maihaharap sa Pilipino,” pahayag nito laban sa PDP-Laban. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment