CALI SUICIDE: 2 ANAK NILASON; NANAY NAGBIGTI

cali1

(NI DAVE MEDINA)

PARE-PAREHONG patay ang magkapatid at kanilang ina nang matagpuan ng kanilang padre de pamilya sa bahay na tinutuluyan sa San Jose, California.Sa pagkakadiskubre sa kanyang mag-iina sa ganoong sitwasyon, sinikap ng ama na humingi ng tulong sa mga kapitbahay at sa California police.

Ayon sa imbestigasyon ng California police, maaaring nilason ng Filipina ang kanyang dalawang anak na mga lalaki, 4-anyos, at 7-anyos, na hindi pa inilalabas ng mga awtoridad ang mga pangalan, bago niya ginawa ang pagbibigti sa sarili.

Sinasabi naman ng  mga kapitbahay na masayahing ina umano ang Pinay pero pinaniniwalaang na-depress makaraang mawalan ng trabaho noong nakaraang taon na posibleng dahilan ng krimen na tinatawag ngayon ng mga awtoridad na double murder – suicide.
Patuloy naman ang  pagsasagawa ng imbestigasyon ng mga awtoridad sa tripleng kamatayan ng mag-iina.

10

Related posts

Leave a Comment