‘CAMP AGUINALDO GAWING CAMP ANTONIO LUNA’

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAIS ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na palitan sa pangalang Camp Antonio Luna ang Camp Emilio Aguinaldo bilang pagkilala sa walang takot at matapang na Heneral noong panahon ng Philippine-American War.

Iniakda at  inihain ni House Deputy Speaker Johnny Pimentel ang kanyang House Bill 4047 sa gitna ng paggunita ng National Heroes Day, ngayong araw, dahil nararapat lamang umanong bigyan ng recognition ang kabayanihan at military talent ni Luna.

“Thus, to honor and accord ‘The Fiery General’ the nobler distinction and prominence that he rightfully deserves, this bill seeks to change the name of Camp General Emilio Aguinaldo, the military headquarters of the Armed Forces of the Philippines, into Camp General Antonio Luna,” paliwanag ni Pimentel sa kanyang panukala.

Gayunpaman, nilinaw ni Pimentel na ang kanyang panukala ay hindi para balewalain si Aguinaldo na unang Pangulo at Chief of Staff ng Philippine Revolutionary Army matapos ang asasinasyon kay Luna noong June 5, 1899.

Ayon kay Pimentel, malaki na ang pagkilalang nakuha ni Aguinaldo lalo na at ipinangalan sa kanya ang 41.4-kilometrong  Emilio Aguinaldo Highway na kilala din bilang Cavite-Batangas Road at  Manila West Road.

Si Luna, ang chief of staff ng Philippine Revolutional Army sa loob ng 134 araw noong Philippine-American War ay  inilarawan ng mga historian bilang “most brilliant and capble of the Filipino generals”.

Siya rin umano ang nagsimula sa tinatawag na guerilla warfare bago pa man ginawa ito ng mga kilalang revolutionaries tulad nina Mao Zedong ng China at Ho Chi Minh at Vo Nguyen ng Vietnam.

“Luna was hailed even by the best U.S. military officers during the Philippine-American War,” ayon pa sa kongresista kaya nararapat lamang na bigyan ito ng pagkilala.

Dahil dito, nais ng mambabatas na Republic Act 4434 na inimplementa noong 1965 kung saan ipinangalan kay Aquino ang National Headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Quezon City at ipangalan ito kay Luna.

 

72

Related posts

Leave a Comment