CANCER HOSPITAL PLANONG ITAYO

MARTIN12

(NI BERNARD TAGUINOD)

PANAHON na upang magkaroon ng isang hospital na ang especialty ay mga sakit na cancer matapos mapirmahan ang Republic Act (RA) No. 11225 o National Integrated Cancer Control Act.

Sa ilalim ng nasabing batas na pinirmahan ni  Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 2019, magiging institusyon na ang national integrated program laban sa sakit na cancer at maparami ang mga survivors.

Ayon kay  Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, mas  makakabuti kung ang gobyerno mismo ang pagtatayo ng ganitong pagamutan upang hindi madehado ang mga pasyente lalo na ang mga mahihirap at masiguro na maimplementa nang maayos ang nasabing batas.

“The creation of the specialty cancer hospital will be included in my legislative agenda as ‘malasakit’  to all cancer patients. Kailangang government funded para hindi madehado ang mga mahihirap na cancer patients,” ani Romualdez.

Sa ngayon ay wala pang government hospital na cancer specialist subalit mayroon ng Philippine Heart Center (PHC) na ang especialty ay mga sakit sa puso;  National Kidney Transplant Institute (NKTI) para sa mga pasyenteng may kidney proble; Lung Center of the Philippines (LCP) at Philippine Children’s Medical Center (PCMC).

Dahil dito nais umano ng mambabatas na magkaroon ng Philippine National Cancer Center (PNCC) lalo na’t  ang  cancer ang ikatlo sa sakit na nagiging sanhi ng kamatayan sa bansa.

Base sa Philippine Cancer Facts and Estimates ng Department of Health (DoH) walo ang namamatay kada araw sa dahil sa childhood cancer at 11 kaso ang nairerekord kada araw at 7 ang namamatay  kada oras sa mga matatanda dahil sa nasabing sakit

“Cancer rates are expected to increase with ageing of populations and changes in lifestyles associated with economic development,” ayon pa sa mambabatas kaya dapat magkaroon ng sariling pagamutan para sa mg biktima ng nasabing sakit.

 

235

Related posts

Leave a Comment