CARPIO TINABLA NI LACSON SA ANTI-TERROR BILL

TINABLA ni Senador Panfilo Lacson ang sariling interpretasyon ni Supreme Court Justice Antonio Carpio sa Anti-Terrorism Bill na pawang tinututulan ng ilang sektor dahil laban sa Saligang Batas.

Sa pahayag, sinabi ni Lacson na mali ang ilang material points sa interpretasyon ni Carpio na mahusay nitong ipinaliwanag sa kanyang liham sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).

“With all due respect to former Justice Antonio Carpio, who I continue to admire and respect, he is mistaken on several material points in his interpretation on the contents of the Anti-Terrorism Bill,” giit ni Lacson.

Nauna nang tinutulan ng IBP kabilang ang ilang religious sector ang pagsasabatas ng Anti-Terrorism Bill dahil lalabagin nito ang Bill of Rights na garantisado sa Saligang Batas.

Maging si dating Vice President Jejomar Binay ay tumututol sa pagsasabatas nito, kaya’t nakatakda silang magtungo sa Supreme Court sakaling lagdaan na ni Pangulong Duterte ang panukala.

Ayon kay Lacson, kanyang natugunan o nasagot ang ilang argumento ng IBP kaya’t marapat na mabasa sana ni Carpio ang kanyang liham.

“I had addressed many of the concerns he raised, in my letter reply to the Integrated Bar of the Philippines. I hope those who share his concerns take time to read it.

After reading the transcript of his remarks before the MAP yesterday, I think he has made up his mind on his interpretation, so in the meantime I will leave it at that,” paliwanag ni Lacson.

Aniya, nakatakda siyang magsalita sa membership meeting ng Management Association of the Philippines (MAP) kaya ipaliliwanag nya ito kay Carpio na kapwa niya guest speaker. ESTONG REYES

78

Related posts

Leave a Comment