CASH AID NG MAHIHIRAP SA GCQ AREAS, PINAHAHANAPAN NG PONDO NI PDU30

IPINAG-UTOS na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Budget Secretary Wendel Avisado na maghanap ng pagkukunan ng pondo para makatanggap din ng cash aid ang mahihirap na pamilya sa lugar na isasailalim sa general community quarantine.

Ito’y makaraang ianunsyo ng Malakanyang na ang mga low-income families na lamang sa ECQ areas ang makatatanggap ng ikalawang tranche ng pinansyal na ayuda mula sa gobyerno.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, pag-aaralan ng gobyerno kung kakayaning isama ang GCQ areas sa ikalawang tranche ng SAP aid.

Iyon nga lamang, hindi pa masabi ni Sec. Roque kung maglalaro pa rin sa P5,000 hanggang P8,000 ang matatanggap ng mga ito.

Inianunsyo na ng Palasyo na pwede nang magbukas ng 75 percent ang mga negosyo sa mga lugar na nasa GCQ status maliban sa mga barber shop, salons, contact sports, sporting events, at religious gatherings.

Pinapayagan na rin ang mass transport sa mga lugar sa ilalim ng GCQ pero babawasan ang capacity para maipatupad ang social distancing. CHRISTIAN DALE

115

Related posts

Leave a Comment