CASH AID SA MAGSASAKA NA NAPINSALA NI ‘MARING’

0

DAHIL sa malaking pinsala sa agrikultura na aabot sa mahigit P600 milyon dulot ng bagyong Maring na rumagasa sa ilang lugar sa bansa, iginiit ni Sen. Cynthia A. Villar ang agarang pinansiyal na tulong sa mga Pilipinong magsasaka.

Base sa pinakahuling data ng Department of Agriculture (DA), naapektuhan ng Bagyong Maring ang 29,063 magsasaka at mangingisda na ang volume ng production loss ay 36,354 metric tons (MT). Napinsala rin ang 32,882 ektaryang agricultural areas sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region at Western Visayas.

Bukod sa pinakahuling bagyo, ang mababang presyo ng palay at ang COVID-19 pandemic ang ilan din sa mga dahilan upang bigyan ng pinansiyal na tulong ang mga magsasaka na apektado ang buhay at kita sa mga ganitong hamon.

Kasalukuyang hinihintay pa ang lagda ni President Rodrigo Duterte para maisabatas ang Cash Assistance to Filipino Rice Farmers Act of 2020 na pakikinabangan ng may 1.673 milyong maliliit na magsasaka.

Isinulong ni Villar, chairman ng Senate Agriculture and Food Committee, para ma-institutionalize ang pagbibigay sa rice farmers ng sobrang koleksyon ng Bureau of Customs (BOC) mula sa P10-billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

“The Cash Assistance for Filipino Rice Farmers Act of 2020 recommends that any amount in excess of the P10-B RCEF collection by the BOC shall automatically be given as cash assistance to rice farmers who are tilling 2 hectares or less of rice land, which is estimated at 1.673 million as listed in the Registry System of Basic Sectors (RSBS),” ayon kay Villar.

Iginiit ni Villar na ang financial subsidy sa mga magsasaka ay alinsunod sa mandato ng Republic Act 11203 o An Act Liberalizing the importation, Exportation or Trading of Rice or the Rice Tarification Law.

Patuloy rin aniyang nahaharap ang Filipino rice farmers sa mga hamon dulot ng liberalization ng rice importation noong 2019, at ang mga nakapipinsalang bagyo na sumisira sa sakahan at ang COVID-19 pandemic. (ESTONG REYES)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment