CASHLESS PAYMENT GAGAMITIN NA RIN SA PALENGKE, TRICYCLE

MASUSING pinag-aaralan ngayon ng pamahalaan ang hangarin na ipatupad ang cashless na pagbabayad sa mga palengke at pamasahe sa mga traysikel sa buong bansa.

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ito’y sa pamamagitan ng Quick Response o QR code.

Ayon sa PCO, makakatuwang ng gobyerno sa inisyatibang ito na tinaguriang “Paleng-QR Ph Plus” ang Land Bank of the Philippines.

Sakop din ng ginagawa ngayong pag-aaral ang ipatupad din ang cashless payment sa local transport drivers.

Ang nasabing hakbang ay inisyatiba ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Department of Interior and Local Government (DILG) na target na ipatupad sa buong bansa.

Sinasabing Agosto 2022, inisyal na inilunsad ang programa sa mga piling palengke sa mga pangunahing siyudad at bayan na ngayon ay plano nang ipatupad sa buong Pilipinas. (CHRISTIAN DALE)

201

Related posts

Leave a Comment