Cathy Binag sa mga kaibigan kapag may nangyari sa kanya: 150 USB NA MAY EBIDENSYA NG BBM DRUG USE ISAPUBLIKO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

PINAKIUSAPAN na umano ni Cathy Binag ang mga kaibigan na binigyan niya ng 150 USB na naglalaman ng mga ebidensya kaugnay sa sinasabing paggamit noon ng droga ni Pangulong Bongbong Marcos na isapubliko ito sa oras na may mangyaring masama sa kanya.

Ito ay dahil nangangamba umano ang dating partner ni ex-Davao del Norte 2nd District Rep. Antonio ‘Tonyboy’ Floirendo sa kanyang kaligtasan kasunod ng kanyang mga pagbubunyag.

Unang lumutang si Binag sa vlogger na si Maharlika at doon ibinunyag ang kanya umanong mga nalalaman hinggil sa hindi matapos na akusasyon ng paggamit ng bawal na gamot ng Pangulo.

Sa pahayag ni Binag, inilagay niya sa USB ang kanyang mga ebidensya at ipinamahagi ito sa mga taong pinagkakatiwalaan niya at lalabas lamang ang mga ito kapag may nangyaring masama sa kanya.

Matatandaang sa isang pahayag, sinabi ng dating tagapagsalita ng administrasyong Duterte na si Atty. Harry Roque na mahihirapan ang Malacañang na pasinungalingan ang mga rebelasyon ni

Binag dahil may personal knowledge ito sa ipinupukol na akusasyon.

Kwento ni Binag, ilang beses niyang nasaksihan na gumagamit ng white powdery substance o cocaine si Marcos Jr.

Ito aniya ay sa mga pagkakataon sa loob ng 10 taong relasyon nila ni dating Davao del Norte 2nd District Rep. Antonio ‘Tonyboy’ Floirendo.

Si Floirendo ay ilan lamang sa mga malapit na kaibigan ng mag-asawang Bongbong at Liza Marcos.

Kaya ani Roque, mahirap pasinungalingan ang isyu ng illegal drugs ni Marcos Jr. sa paglantad ngayon ni Binag na maituturing na star witness.

Kasabay nito, hinikayat ni Roque si Pangulong Marcos na tumugon sa mga ibinabatong akusasyon sa kanya ni Binag.

“So ngayon, dapat naman po magsalita na ang Presidente. Napakahirap pong itanggi, pasinungalingan ang naging kwento ng isang tao na naging malapit sa isa sa pinaka-bespren ng Presidente,” giit ni Roque.

Naging kontrobersyal si Binag noon dahil ang pakikipag-away umano nito sa sinasabing girlfriend ni dating Speaker Pantaleon Alvarez ang dahilan kaya umasim ang pagkakaibigan nina Floirendo at Alvarez. Siya rin ay inakusahang palengkera at kinondena ng mga kapatid ni Floirendo.

Si Maharlika naman o Claire Contreras na naka-base sa Amerika ay kinasuhan kamakailan ni PCSO General Manager Mel Robles dahil umano sa paulit-ulit na paninira sa kanya.

132

Related posts

Leave a Comment