CAYETANO BABABA SA SPEAKERSHIP –VELASCO

(NI BERNARD TAGUINOD)

NANINIWALA si Marinduque Rep. Lord Alan Velasco na pagdating ng panahon ay bababa rin si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano bilang Speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ginawa ni Velasco ang pahayag  sa ambush interview nitong Martes sa Kamara, kaugnay ng isyu na posibleng manatiling Speaker si Cayetano hanggang matapos ang 18th Congress.

“I know naman for a fact na usapang lalaki… definititely when the 15months is already due I believe Speaker Allan will step down and hand the speakership sa inyong lingkod,” ani Velasco.

Magugunita na nagkasundo ang dalawa na maghati sa pamumuno sa Kamara kung saan si Cayetano ay magsisilbi sa loob ng 15 buwan o hanggang Oktubre 2020 habang ang natitirang 21 buwan sa 18th Congress ay ipapasa kay Velasco ang Speakership.

Pinanghahawakan ni Velasco ang kasunduang ito na mismong si Pangulong Rodrigo ang namagitan kaya kumpiyansa ito na siya ang susunod na Speaker ng Kapulungan Nobyembre 2020.

“Usapang lalaki naman talaga. If you notice ‘di ako masyado nagsasalita… ayoko naman mag-grab ng limelight.. I want to give him the free reign.. I’m just waiting for the (my time),” ani Velasco.

Wala ring ideya si Velasco sa tila parinig ni Davao City Mayor Sara Duterte laban kay Cayetano dahil sa mga aberya sa pagho-host ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian games.

Sinabi ni Mayor Sara sa social media na “I told you so, but you didn’t listen,” ani mayor sa kanyang instagram post.

“I haven’t talked to Mayor Inday. Later on I will call and ask her what she means by that. Dito sa Congress we just work. We are very civil. We don’t really talk about the term-sharing agreement,” ani Velasco.

174

Related posts

Leave a Comment