(NI ABBY MENDOZA)
BINUWELTAHAN ni House Speaker Alan PEter Cayetano si dating pangulong Noynoy Aquino at Sen Franklin Drilon at sinabing kung nalalakihan ito sa P6B na ginastos sa SEA Games ay pinaalala nitong noong 2015 APEC Summit sa ilalim ng nakalipas na administrasyon ay P10B ang ginugol ng gobyerno.
Ang buwelta ni Cayetano kay Aquino ay matapos nitong sang-ayunan ang nauna nang pahayag ni Drilon na 50 classrooms na sana ang maipagagawa sa P50M cauldron na gagamitin sa SEA Games.
“Ang sinasabi ko lang yung hypocrisy na nung P10 billion ang hiningi nila sa Kongreso, para sa APEC, sabi nila para sa bayan ito, representasyon ito, karangalan ito. We have to spend on known artists and singers. We have to serve good food para maganda representasyon. Yun nakita nila at justified nila pero yung P50-million na priceless work of art na forever pagmamay-ari ng gobyerno, sasabihin nila sana 50 classrooms na lang?,”pahayag ni Cayetano.
“Ilan ba ang dapat nagawang classroom kung hindi natin hinost ang APEC? 10,000 classrooms. Tapos sasabihin nila simbolo ng SEA Games, simbolo ng ating mga atleta, fighting spirit of the Filipino ay P50 million? Titirahin nila. Sa bibig mismo ni Sen. Drilon nanggaling, hindi ito overpriced. Walang nagsasabi na it’s excessive or overpriced. Edi ano ang issue? Namamahalan kayo sa P50 million pero sa P10 billion okay lang sa inyo?” dagdag pa ni Cayetano.
Giit ni Cayetano kung ano ang sinisimbolo ng cauldron ang syang mahalaga, aniya, ang pinagawa ng Pilipinas ay malaki ang kamurahan kumpara sa ipinagawa ng Singapore nang maghost ito ng SEA Games.
Pakiusap ni Cayetano sa halip na batikusin pa ang SEA Games ay suportahan na lamang bilang pagpapakita dion ng suporta sa mg atletang Filipino, ang pagbabatikos ay gawin na lamang pagkatapos na lang ng event.
“Huwag kayong mag-alala, after the Games kahit araw-arawin niyo ako, ako ang haharap, ako ang sasagot. Kung may kailangang idemanda, ako idemanda niyo. Pero huwag before and during the Games.After the Games, we will paint a target sa ulo, dito. Hiramin niyo yung sniper guns na gagamitin dito para sa security. Hiramin niyo yung drones na may bomba na anti-terrorist, at kami ni Cong. Bambol Tolentino ang gawin niyong target. Pero sa ngayon, para sa atleta talaga ito,” pahayag ni Cayetano.
139