(NI BETH JULIAN)
INIANUNSIYO na ngayong Lunes ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Taguig City Representative Alan Peter Cayetano ang kanyang napipiling kandidato bilang Speaker of the House.
Ang anunsyo ng Pangulo ay inilabas kasabay ng oath-taking ceremony ng mga bagong appointed na opisyal ng pamahalaan sa Malacanang.
“Your Speaker will be Alan Peter Cayetano,” pahayag ni Duterte.
Si Cayetano ay running mate ng Pangulo noong 2016 elections at naging secretary ng Foreign Affairs.
Ayon sa Pangulo, isososyo ni Cayetano ang termino kay Marinduque Representative Lord Allan Velasco.
Sinabi ng Pangulo na si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang magiging susunod na majority leader.
Ang mga bagong opisyales ng House ay pagbobotohan sa pagbubukas ng 18th Congress sa July 22, kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.
Una nang nagpasaklolo kay Duterte sina Congressmen Alan Peter Cayetano, Lord Allan Velasco at Martin Romualdez para sa pagpili ng susunod na speaker sa Kamara.
Sina Cayetano, Velasco at Romualdez ang matunog na kandidato sa pagka-speaker at nagkaroon ng pagpupulong noong weekend sa Davao City, kasama ang mga anak ng Pangulona sina Davao City Congressman Paolo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte.
137