CHA-CHA MALING PRAYORIDAD

PARA sa mga militanteng kongresista, imoral ang pagsusulong ng P28-bilyong gastos na kalakip ng plebisito para sa Charter change (Cha-cha) na itinaon pa sa gitna ng matinding krisis na kinakaharap ng bansa.

Ayon kina Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at Albay Rep. Edcel Lagman, hindi akmang dagdagan ang pasakit na dala ng walang puknat na pagtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin.

“Current and urgent problems that we are facing – escalating prices, low wages, massive hunger, joblessness, landlessness – do not stem from the 1987 Constitution. Hence, amending the Constitution will not magically cure these problems,” ani Brosas matapos pagtibayin ng

House committee on constitutional amendments ang Resolution of Both Houses No. 6.

Sa nasabing resolusyon, kinatigan ng Kamara na magpatawag ng Constitutional Convention (ConCon) para amyendahan ang 1987 Constitution.

Isang imahinasyon din lamang aniya ang pinapalabas ng mga nagsusulong sa amyendang magbibigay kalayaan sa mga dayuhang kapitalista na angkinin nang buo ang mga pangunahing negosyo tulad ng telecommunications, imprastraktura, enerhiya at iba pa.

Inihalimbawa ng mambabatas ang kaso ng special economic zones na binuksan sa mga dayuhang negosyante subalit wala rin naman naitalang ambag sa kaunlaran ng bansa.

“Although the convening of a Constitutional Convention is the best and more popular mode of Charter change, Con-Con is an inordinately expensive enterprise with a reported budget amounting to P18-billion,” ayon naman kay Lagman.

Hindi aniya ito makatarungan para sa taxpayers lalo na’t walang ibinibigay na ayuda ang gobyerno sa mga manggagawa para maibsan ang epekto ng inflation rate na noong Enero ay umabot na sa 8.7%.

Maliban dito, masama pa aniya ang lagay ng ekonomiya ng bansa na dapat unahing resolbahin bago harapin ang Cha-cha.

Ayon kay Lagman, dapat pag-aralan ng gobyerno kung paano makakaahon sa P13.42 -trilyong pagkakautang. (BERNARD TAGUINOD)

192

Related posts

Leave a Comment