CHACHA MALAKI ANG PAG-ASANG LUMUSOT SA DUTERTE ADMIN

chacha33

(NI BERNARD TAGUINOD)

KUMPIYANSA ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na mailulusot ang Charter Change (Cha Cha) para magkaroon umano ng pagbabago sa ekonomiya at political landscape sa bansa.

Ito ang pahayag ni House committee on constitutional revision chairman Rep. Rufus Rodriguez matapos ilusot sa kanyang komite ang Resolution of Both Houses para amyendahan ang 1987 Constitution.

“Malaki ang chance dahil we are trying to push  economic and political changes. We have to have stability and more time for local official to perform,” pahayag ni Rodriguez.

Ayon sa mambabatas, tanging ang Pilipinas na lamang umano sa Southeast Asia ang may probisyon sa saligang batas na 40% lamang sa mga dayuhang negosyante na papasok sa bansa at 60% naman sa mga Filipino.

Tinawag na proteksyon sa mga Filipino businessmen ang nasabing probisyon sa Saligang Batas subalit ayon kay Rodriguez, kaya na umanong proteksyunan ng mga negosyanteng Pinoy ang kanilang sarili.

Kailangan na rin umanong baguhin ang political landscape sa Pilipinas at paliwigin na ang termino ng mga halal na opisyales ng gobyerno upang mas maraming magawa ang mga ito.

“Tayo na lang na bansa sa  buong mundo na three (3) years (ang pagsisilbi ng mga halal na opisyales), majority of them 5 years (ang termino) at walang term limit. Tayo may term limit, tatlo lang.

Sinabi ng mambabatas na halos walang nagagawa ang mga halal na opisyales ng gobyerno sa tatlong tao kaya isinama sa inaprubahang resolusyon ang panukalang gawing 5 yers ang termino ng local officials, congressmen.

Umapela rin ang mambabatas sa mga senador na ikonsidera ang Cha cha dahil makakabuti umano ito sa kanila dahil sa rehiyon na lamang sila tatakbo taliwas sa kasalukuyan na sa buong bansa.

Sa ilalim ng nasabing resolusyon na nakatakdang isalang na sa debate sa plenaryo ngayong linggo, magiging 27 ang Senado mula sa kasalukuyang 24 kung saan 3 senador ang ihahalal sa 9 na rehiyon at magiging 3 termino na ang mga ito mula sa kasalukuyang 2 termino subalit tig-5 taon na lang mula sa 6 taon na sistema ngayon.

 

153

Related posts

Leave a Comment