CHINESE GOV’T PINAKIKILOS SA CHINESE KFR SYNDICATE SA PHL

dela rosa12

(NI NOEL ABUEL)

DAPAT na kumilos ang Chinese government at makipagtulungan sa mga ahensya ng pamahalaan para masolusyunan ang nangyayaring pagdukot sa mga kababayan nito sa bansa.

Ito ang payo ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa kaugnay ng nadadalas na ulat na pagdukot sa mga Chinese nationals ng mga kababayan ng mga ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Dapat, more coordination dapat. Lalo na police attache ng China dito, mabilis naman ‘yan makipag-coordinate sa amin, ‘pag may national silang nakidnap,” paliwanag pa ng dating pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Ngunit kung tutuusin aniya ay hindi dapat na ikinabahala ng mga awtoridad kung ang kidnapping ay sa pagitan ng mga Chinese nationals.

“Hindi talaga gaano ‘yan concern dahil kung ‘yan ay KFR victimizing wealthy Filipino businessmen, cause of concern ‘yan sa lahat ng Filipino pero kung sila-sila Intsik nagkikidnapan petty crime lang,” aniya pa.

Bagama’t nangyayari umano ang KFR sa teritoryo ng bansa ay madalas ay dahil sa utang lamang kung saan nangyayari ang pagdukot.

“Oo nasa teritoryo, pero ito kasing nangyayari petty crimes sa kanila among Chinese, ikaw ‘di ka makabayad ng utang sa akin kikidnapin kita, ikukulong kita hangga’t ‘di ka nagbabayad,” saad pa ni Dela Rosa.

 

133

Related posts

Leave a Comment