CHINESE VESSELS PINATATABLA SA WPS

TULUYAN nang makokontrol ng Pilipinas ang karagatang pasok sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa sa sandaling maisabatas ang isang panukalang inihain kamakailan ng isang kongresista sa Kamara.

Para kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, malaking bentahe sa Pilipinas sa usapin ng gitgitan sa West Philippine Sea ang mga probisyon ng House Bill 2465 na inihain niya sa Kamara.

Sa ilalim ng inihaing panukala, hindi na pwedeng pumasok sa West Philippine Sea mga barkong ng Tsina at mga Chinese fishing vessels – hangga’t walang pahintulot ang gobyerno.

“I have refiled my bill and I urge Congress to approve it. No Chinese or any vessel should be allowed in our waters without our approval unless for innocent passage in the designated archipelagic sea lanes,” ayon sa mambabatas.

Bukod sa karagatan, pasok din sa panukala ng kongresista ang mga sasakyang panghimpapawid ng bansang Tsina.

Base sa pinakahuling ulat ng Philippine Navy, nananatili pa rin sa loob ng 200-nautical mile radius ang mga barkong pandigma ng Tsina na nagtataboy sa mga mangingisdang Pilipino, habang patuloy naman ang pamamalakaya ng mga mangingisdang Tsino.

“They shall not make any activity other than transiting expeditiously. They shall not make any threat against the sovereignty, territorial integrity or political independence of the Philippines,” ani Rodriguez kasabay ng pagtitiyak na mabibigyang proteksyon ng Pilipinas ang sakop ng teritoryo sa sandaling may batas na magsisilbing basehan ng mga pagkilos sa pinagtatalunang teritoryo.

Bahagi rin ng kanyang panukala ang pagpapataw ng multang $1.2 milyon at pagkakakulong mula anim na buwan hanggang dalawang taon sa sinumang mahuhuling nasa loob ng West Philippine Sea nang walang pahintulot ng pamahalaan ng Pilipinas.

“The proposed law authorizes the President to issue rules and regulations relating to the management and security of the country’s archipelagic and adjacent waters,” pagtatapos ni Rodriguez. (BERNARD TAGUINOD)

17

Related posts

Leave a Comment