(NI ESTONG REYES)
INIHAYAG ni Senate President Protempore Ralph Recto na suportado ng Senado ang plano ng pamahalaan na tugisin ang libu-libong Chinese workers na hindi nagbabayad ng buwis.
Sa pahayag, sinabi ni Recto na dapat walang “great wall” na magbibigay proteksiyon sa mga Chinese workers sa pagbabayad ng income tax na kinita dito sa Pilipinas.
Aniya, kailangan ang ultimatum ng finance department sa Chinese employees at employers sa sundin ang batas sa pagbubuwis ng bansa na isang tamang pamamaraan upang maitaas ang kita dahil kailangan munang mangolekta ang pamahalaan bago magtaas ng antas.
“That’s the right approach. Before you badger Congress to levy new taxes or raise rates, kindly plug the leaks first,” aniya
“Baka kaya nagdagsaan ang mga dayuhang ito sa Pilipinas ay dahil masyado tayong maluwag. Nalulusutan ang BIR, DOLE at Bureau of Immigration,” dagdag ni Recto.
Ayon kay Recto, umabot sa P370 bilyon ang ibinayad ng manggagawa at propesyunal na Filipino noong 2017, kumakatawan sa 20% ng naibayad na buwis.
“For every 5 pesos tax paid, 1 peso comes from individual income earners.”
“The BIR can’t be strict on Filipinos when it comes to paying taxes, by withholding these at source, while allowing foreign nationals a free pass,” aniya.
“Dehado na nga sa West Philippine Sea, pati ba naman sa singilan ng buwis e dehado pa rin ang Pilipinas,” dagdag pa ni Recto.
204