CHR BINIGYAN LANG NG BARYANG CONFI FUND

KUMPARA sa Office of the Vice President at Department of Education (DepEd), barya lang ang ibinigay na confidential fund sa Commission on Human Rights (CHR) gayung mas kailangan nito ng pondo sa imbestigasyon sa human rights violations sa bansa.

Sa pagdinig ng Kamara sa budget ng CHR, inamin ni Chairman Richard Palpal-Latoc na P1 milyon lamang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) para sa kanilang confidential funds.

“Among the mandates of the Commission is to investigate human rights violations involved civil and political rights and as investigative body, it is surprising that the commission is allocated a very minimal amount for confidential funds,” ani Palpal-Latoc.

Iginiit ng opisyal na kailangan ng komisyon na suportahan ang mga biktima bukod sa imbestigasyong isinasagawa kaya mahalaga sa kanila ang confidential funds.

Ikinadismaya ito ni Albay Rep. Edcel Lagman dahil ang ahensya na kailangan ang nasabing pondo sa kanilang trabaho ay barya lang ang ibinigay gayung naging galante naman ang DBM sa OVP at DepEd.

“I think between the Department of Education and Office of the Vice President, your mission is more germane in availing a reasonable amount of confidential funds,” pahayag ng mambabatas.

Sa ilalim ng 2024 general appropriations bill (GAB), magkakaroon ng P500 million confidential and intelligence funds (CIFs) si Vice President Sara Duterte bukod sa P150 million sa DepEd na kanyang pinamumunuan.

(BERNARD TAGUINOD)

205

Related posts

Leave a Comment