(NI ABBY MENDOZA)
PABOR ang Civil Service Commission (CSC) sa ipinalabas na Executive Order No 15 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatakda na bawal na ang travel junkets at pagsasagawa ng team building sa labas ng bansa.
Ayon kay CSC Commissioner Atty Aileen Lizada tama lamang ang ganitong kautusan na pagpapakita ng malakasakit sa paggastos sa pondo ng gobyerno.
Ani Lizada, totoo naman na kung hindi mo pera ay madali magplano ng magarbong lakad pero kung hindi mo pera ay magdadalawang-isip pa sa paggastos.
“We need to instill malasakit sa serbisyo, kung may malasakit kayo sa trabaho, sa tingin niyo ba kung pera ninyo ‘yan, hard-earned money, gagawin niyo po ba ‘yan? Kung pera niyo ‘yan hindi niyo gagawin ‘yan kasi pinaghirapan niyo ‘yan. Pero ito pera ng gobyerno ‘to. Hindi n’yo pinaghirapan ‘yan kaya madaling gumawa ng mga desisyon na ganyan,” paliwanag ni Lizada.
Giit pa ni Lizada kung mayroong team building ay hindi naman kailangan na sa labas pa ng bansa ito gawin.
Bukod umano sa pagbabawal ng travel junkets at team building activities ay iminungkahi rin ni Lizada na iwasan na ng mga kawani ng gobyerno ang paglalaro ng mobile games at paggamit ng social media sites lalo sa oras ng trabaho.
“It is high time we need to invigorate malasakit sa serbisyo,”giit ni Lizada
Sakop mg nasabing kautusan ang lahat ng kawani sa national government agencies kabilang ang state universities and colleges, government-owned or -controlled corporations, government financial institutions, Congress, judiciary, constitutional commissions, Office of the Ombudsman at local government units.
221