CLAVITE PINAYAGANG MAKALABAS NG PINAS

pia22

(NI BETH JULIAN)

MAY permisong makalabas ng bansa si PIA Director Harold Clavite.

Ito ang kinumpirma ni PCOO Undersecretary Marvin Gatpayat, matapos maisyuhan ng travel authority si Clavite para sa kanyang personal na byahe papuntang Amerika.

Inisyuhan ng travel authority si Clavite matapos makapagsumite ng kanyang paliwanag hinggil sa umano’y pagkakadawit nito sa isyu ng korupsyon sa ahensya na kanyang pinamumunuan.

Ayon kay Gatpayat, bandang alas-4:15 ng hapon noong Huwebes nang ipadala ni Clavite sa kanyang tauhan ang sagot nito sa kanyang kinakaharap na corruption allegation.

Sinabi pa ni Gatpayat, nailakip din ni Clavite sa kanyang request na mayroon itong naitalagang officer in charge sa PIA, gayundin ang katiyakan na hindi maaapektuhan ang day-to-day operations ng ahensya.

Matapos na mapag-aralan ang paliwanag ang makatugon ang PIA chief sa mga itinakdang requirements, sinabi ni Gatpayat na agad silang nag isyu ng travel authority.

Si Clavite ay nagtungo sa ibang bansa para dumalo sa ballet recital ng kanyang anak.

 

137

Related posts

Leave a Comment