CLEAN UP DRIVE SA QUIAPO

PINANGUNAHAN ng lokal na pulisya ang clean up drive sa paligid ng Quiapo Church, dalawang araw bago kapistahan ngayong Lunes ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila.

Bandang 9:00 ng umaga, sinimulan ng mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupaz, commander ng Manila Police District Barbosa Police Station 14 ang paglilinis sa Escaldo St., bahagi ng Barangay 393 sa ilalim ni Chairman Frederick Go.

Maging ang mga sagabal sa bangketa ay inalis ng grupo na pinangunahan ni Police Captain Louie Serbito, hepe ng SCADS kasama ang mga tauhan ng Station 14.

Inalis din ang itinayong Advocacy Support Group (ASG) upang maging maayos ang dadaanan ng prusisyon ng Nazareno.

Ayon kay Mupaz, ang paglilinis ng mga bangketa ay hindi lamang ngayong piyesta dahil alinsunod ito sa kautusan ni Manila Mayor Honey Lacuna – Pangan sa pamamagitan ng City ordinance. (RENE CRISOSTOMO)

19

Related posts

Leave a Comment