COA KAY CESAR MONTANO: P80-M UNLIQUIDATED FUND IPALIWANAG

cesarmontano1

(NI ABBY MENDOZA)

UNLIQUIDATED pa rin ang P80 milyong pondo ng Tourism and Promotions Board (TPB) na ginastos nito sa kanilang Buhay Carinderia Program, ayon sa 2018 Audit report ng Commission on Audit (COA).

Marami umanong  dapat na ipaliwanag si dating TPB Chief Operating Officer Cesar Montano sa naging proyekto, una na dito ang pagbabayad ng P80 million sa Marylindbert International Inc. (MII) nang hindi inoobliga ang kontraktor na magsumite ng liquidation at  utilization reports kasama na rito ang mga resibo at pagpapalabas ng ikalawang trance ng bayad nang walang mga kaukulamg dokumento ang kontratista.

“TPB already paid a total of P80.640 million inclusive of VAT as of April 17, 2018 even without prior liquidation. TPB had only required the submission of a Summary of Expenses and Disbursements at the end of the project, with no mention of other necessary supporting documents to establish the existence or completion of the project,”ayon sa COA.

Maging  ang Value Added Tax (VAT) na aabot sa P3.6M ay hindi rin umano siningil ng TPB sa kontratista na paglabag sa National Internal Revenue Code.

Layon ng Buhay Carinderia Program na i-promote ang carinderia fare sa buong bansa subalit P50 milyon umano ay ginastos sa advertisement lamang.

Bilang tugon, sinabi ng TPB na ginagawa na nila na marekober ang ibinayad sa MII, kasama na rito ang VAT at pagsusumite ng liquidation documents.

Si Montano ay nagbitiw sa puwesto noong 2018 matapos kanselahin ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang Buhay Carinderia program dahil hindi dumaan sa public bidding.

 

135

Related posts

Leave a Comment