COMELEC ‘DI IBOBOYKOT NG NAMFREL

namfredl12

(NI MINA DIAZ)

INIHAYAG ng National Movement for Free Election  (NAMFREL) na hindi nila iboboykot ang Commission on Elections ( Comelec).

Ayon kay Namfrel chair Augusto “Gus” Lagman, bagaman hindi sila  binigyan ng Comelec ng full accreditation, mananatili ang kanilang responsibilidad sa bayan sa darating na midterm elections.

Una nang ibinasura ng Namfrel ang Comelec accreditation para sa  data access.

Samantala, nagbabala naman si Mata sa Balota spokesperson Dr. Michael Aragon laban sa mga naglabasang mga  ulat na umano’y magkakaroon ng anarkiya o civil war dahil sa posibleng pagkakaron ng failure of elections sa Lunes.

Kailangan lamang ay suportahan ang Comelec para gampanan ang kanilang tungkulin.

78

Related posts

Leave a Comment