SEGURIDAD SA BOL PLEBISCITE PINANGANGAMBAHAN

comelec

SINABI ng Commission on Elections (Comelec) na handa na sila sa plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Enero 21 ngunit nangangamba sa seguridad sa mga lugar na may report ng karahasan, higit umano sa Cotabato City.

Nangangamba si Comelec spokesperson James Jimenez sa karahasang posibleng sumiklab lalo pa’t bago sumabing ang bagong taon ay may naganap na pagsabog sa isang mall doon. Sinasabing mga terorista ang nasa likod ng pagsabog.

Sa harap nito, tiwala si Jimenes na magiging alerto ang kapulisan at sundalo na itatalaga sa lugar upang maitaboy ang sinumang gagawa ng kaguluhan. Inaasahan din ni Jimenez na magiging matiwasay sa kabuuan ang gagawing plebisito.

8

Related posts

Leave a Comment