COMELEC MULING NAGPAALALA SA SOCE NG MGA KANDIDATO

COMELEC12

(NI HARVEY PEREZ)

MULING pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng kumandidato sa natapos na mid-term election  na magsumite na ng kanilang statements of contributions and expenses (SOCE) hanggang sa Hunyo 13.

Ayon sa Comelec, kahit na ang mga natalong kandidato ay dapat na magsumite ng kanilang SOCE.

Gayundin, ang lahat ng mga nanalong kandidato, partido na mapatutunayang hindi magsusumite ng kanilang SOCE ay mahaharap sa kasong administratibo.

Sa ilalim ng batas, lahat ng mga kandidato at electoral parties ay dapat magsumite ng SOCE sa loob ng 30 araw matapos ang halalan.

Itinakda ang deadline sa Hunyo 13 dahil pumalo sa holiday ang Hunyo 12 na dapat sanang deadline sa paghahain ng SOCE.

Ang lahat ng SOCE na isusumite ng lampas sa deadline ay hindi na tatanggapin ,hindi naman pauupuin sa kanyang puwesto ang mga nanalong kandidato na hindi magsusumite ng SOCE.

Sinabi ng Comelec na ang mga nanalong kandidato ay maaring mag-file ng kanilang SOCE hanggang anim na buwan matapos na maiproklama kaya lamang sila ay papatawan ng multa.

132

Related posts

Leave a Comment