NAGHAHANAP ngayon ang Commission on Elections ng bagong katuwang para sa random manual audit (RMA), siyam na araw bago ang midterm elections.
Ito ay matapos tanggihan ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) ang akreditasyon ng Comelec bilang citizen arm.
Sinabi ni Comelec Commissioner Luie Guia na ang desisyon ng pag-atras ng Namfrel ay ikinagulat ng poll body dahil aktibo umanong dumadalo sa kanilang pulong ang Namfrel mula pa noong Oktubre ng nakaraang taon.
Gayunman, sinabi nito na kaya naman ng Comelec ang gawain ng Namfrel ngunit mas makabubuti pa rin umanong magkaroon ng citizen counterpart sa bilangan.
Sinabi ni Guia na humihiling ng access ang Namfrel ng iba pang logs na naka-attach sa server na ayon sa Comelec, sila man ay walang access dito.
Ito umano ang dahilan ng pag-atras ng Namfrel kung saan hindi naman umano ito mapipilit ng Comelec.
122