COMPOSTING PAIGTINGIN SA PAGLAGO NG AGRIKULTURA

DAHIL sa dumadami ang ani at kita kapag malusog ang lupa, muling hinimok ni Senator Cynthia A. Villar ang mga magsasakang Pinoy na paigtingin ang composting gamit ang kitchen at garden wastes sa paggawa ng organic fertilizer.

Base rin ito sa panawagang suporta ng isang grupo ng magsasaka para mabawasan ang pagkadepende sa imported fertilizer sa pamamagitan ng pagpaparami sa local production sa kabila ng mabilis na pagtaas ng global prices nito.

Sinabi ni Villar, chairperson ng Senate committee on Agriculture and Food, na kailangang protektahan ang lupa laban sa pagkasira upang matiyak ang agricultural growth at food sustainability.

Aniya, mahalaga ang malusog na lupa sa food security dahil 95 percent ng ating kinakain ay direkta o di man direktang nanggagaling sa lupa.

“Because of this, soil health is important for agricultural productivity, which in turn will affect food security. And the solution is as simple as putting nutrients back to the soul through composting and going organic,” diin ni Villar.

Sa Senado, isinusulong ni Villar ang legislations para pangalagaan ang lupa sa pamamagitan ng sustainable at organic na pamamaraan.

Nagtatag din siya sa mga komunidad sa buong bansa ng ng mga proyekto at programang nagsusulong sa wastong waste management partikular ang kitchen at garden wastes na maaaring gawing compost o organic fertilizers.

“By providing all the necessary support and assistance to our farmers, their cooperatives and other groups, we are encouraging them on composting, using readily available sources like wastes coming to our own kitchen and garden,” giit ng Nacionalista Party senator.

“In creating our own fertilizers, aside from having a steady supply of cheap fertilizers, we are also saving money which farmers can use for other purposes to better improve their harvest and earnings. Imported fertilizers are much more expensive than those locally-produced. So we are really asking our farmers to do composting,” dagdag pa ni Villar.

Dismayado rin siya sa mga iregularidad ang pagbili ng fertilizers. “In some ways, this has been a root of corruption.”

Bilang advocate ng composting, sinabihan din ni Villar ang Bureau of Soils and Water Management (BSWM) na magbigay ng Composting Facilities for Biodegradable Waste (CFBW) machines sa local government units at farmers’ groups para makagawa ng kanilang fertilizers sa pamamagitan ng composting.

“As a requirement, the BSWM conducts Training on the capacity enhancement of beneficiaries on the operation of composting facility. This would also ensure there is efficient segregation of waste for conversion into useful organic fertilizer to reduce the cost of fertilizer,” paliwanag ng senador.

Alinsunod ang composting sa prayoridad ng pamahalaan- ang Organic Agriculture Program (NOAP) para maparami ang crop productivity sa pamamagitan ng sustainable agriculture.

“This will help to promote organic farming and proper waste management to lessen our dependence to chemical fertilizers especially imported which are very costly, and to enrich the soil,” sabi ni Villar.

Sa suporta ng Villar SIPAG Foundation, nakapagpatayo ang senador ng organic fertilizer facilities sa 67 lugar sa Las Piñas City na sumasakop sa 20 barangays at homeowners associations. Nakapagtayo rin sila ng parehong pasilidad sa 50 Vista Land communities sa buong bansa.

Dito pinoproseso ang kitchen at garden wastes na kinokolekta araw-araw sa mga bahay. Kada buwan, nakagagawa ng 70 toneladang organic fertilizers na ipinamamahagi ng libre sa mga magsasaka, urban gardeners at planting enthusiasts.

Hinikayat din ni Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) administrator Wilfredo Roldan ang mga magsasaka na gumawa ng mas maraming local fertilizers lalo na ang organic sa kabila ng tumatataas na presyo ng fertilizers sa mundo. Sinabi ng Fertilizer Industry Association of the Philippines (FIAP) na sanhi ito ng tumataas na demand mula sa India, Australia at Brazil at ang kakulangan sa gatas sa Europe kamakailan lamang. (ESTONG REYES)

7

Related posts

Leave a Comment