CONCESSION AGREEMENT ‘WAG IBIGAY SA ‘CRONY’ — SOLON

MAYNILAD-MANILA WATER CO2

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAGBABALA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa gobyerno na huwag tangkaing ibigay sa isa pang oligarch ang serbisyo sa tubig sa Metro Manila dahil wala ring magbabago kapag nangyari ito.

Bagama’t suportado ng Makabayan bloc ang pagkastigo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa water concessionaires lalo na ang Manila Water at Maynilad, sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite na hindi nila maiwasang mangamba na ipapasa lang ang negosyong ito sa mga crony ng administrasyon.

Magugunita na nagbanta ang gobyerno na kakanselahin ang concession agreement sa pagitan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at kakasuhan ang mga may-ari  nito ng economic sabotage matapos mapikon ang Pangulo na ipasa sa gobyerno ang hindi nila kinita noong 2015 hanggang 2017 nang hindi sila payagang magtaas ng singil.

Inayunan ng grupo ni Gaite ang desisyon ng Pangulo dahil pinagkakakitaan lamang umano ng mga oligarkiya ang water service mula 1997 subalit kapag nakansela umano ang concession agreement ay hindi dapat ipasa sa iba pang negosyante.

“Kaya ang panawagan namin, kung makasenla man ang concession agreement na dapat lang naman, huwag itong ibigay ulit sa isa pang oligarch,” ayon sa mambabatas.

Iginiit ng solon na kailangan ang gobyerno ang magpatakbo sa MWSS at magserbisyo sa mga tao dahil hindi dapat aniyang pagkakitaan ang tubig na karapatan ng lahat ng tao.

180

Related posts

Leave a Comment