CONGRESSMEN GUSTO NA RING MAGKASAL

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Kung magiging batas ang isang panukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, maaari na ring magkasal ang mga kongresista at governor ng kanilang mga constituent sa kani-kanilang distrito.

Ito ay matapos simulan ng House Committee on Revision of Laws na pinamumunuan ni Pangasinan Rep. Marlyn Primicias-Agabas ang House Bill 5699 na mag-aamyenda sa Family code.

Layon ng nasabing panukala na inakda ni Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano na magkaroon na rin ng kapangyarihan ang mga kongresista na magkasal.

Sa kasalukuyan, tanging ang mga incumbent mayor, mga miyembro ng hudikatura lalo na ang mga huwes at mga pari o rabbi ang may kapangyarihan na magkasal sa kanilang mga constituent.

“In certain instances, the ship captain or airplane chief, as well as military commanders in some instances, and the consul general or vice consul are given the authority to solemnize marriage but not members of the House of Representatives or governors,” ani Agabas.

Dahil dito, bibigyan na rin ng kapangyarihan ang mga Kongresista at gobernador ng kapangyarihan na magkasal ng kanilang mga constituent para makatulong na mabawasan ang mga naglilive-in lamang.

116

Related posts

Leave a Comment