(NI ROSE PULGAR)
DISMAYADO ang consumers group na Laban Consumers sa pasya ng Department of Trade and Industry (DTI) matapos payagan ang pagtataas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin.
Ayon kay Vic Dimaguiba, presidente ng nasabing grupo, paglabag sa karapatan ng mga consumers na magkaroon ng tama at napapanahong impormasyon sa mga bilihin ng kawalang abiso ng DTI.
Base sa inilabas na suggested Retail Price (SRP) ng kagawaran ng kalakalan at industriya, kabilang sa pinayagan na magtaas ng presyo tulad ng gatas, kape at patis.
Ito ay gitna na rin ng pagsipa muli ng inflation rate nitong nakalipas na Mayo at ang negative one percent na sentimiyento ng mga consumers.
Ikinatwiran pa ng DTI na ang pag-apruba sa bagong taas-presyo ay dahil umano sa pagtaas din ng presyo ng mga raw materials at production costs ng mga manufacturers.
Nabatid na noong 2018 pa nagpetisyon ang mga manufacturers sa pagtataas sa presyo ng pangunahing bilihin na hinati-hati ng DTI sa kada quarter ng taon para hindi mabigla ang mga konsyumer.
157