CONTACT TRACING UNAHIN HINDI ANG ANTI-TERROR BILL – SOLON

“SA panahon ng pandemya, kung anu-ano ang inuuna. Ganyan ba ang palakad ng gobyernong nagseserbisyo sa masa?

Ito ang tanong ni Senador Kiko Pangilinan sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagsasabing mas dapat unahin ang contact tracing sa COVID-19 sa halip na ang anti-terror bill.

“Kesa bigyang pokus ng DILG ang mas maigting at malawakang contact tracing at pagtulong sa mga locally stranded individual, kasama pa rin sa pinagtuunan ng pansin ng DILG at ni Secretary Año ang pagkalap ng malawakang suporta mula sa mga LGU ukol sa anti-terror bill,” sabi pa ni Pangilinan.

“Contact tracing kesa anti-terror bill. Iuwi ang mga LSI kesa anti-terror bill. Suportahan ang mga LGU kesa papirmahin para sa anti-terror bill,” aniya pa. NOEL ABUEL

70

Related posts

Leave a Comment