TINIYAK ng gobyerno ng Pilipinas na nakahanda na ang contingency plans na kagyat na itutugon sakali’t magkaroon ng emergency at crisis situation sa nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na ang Philippine embassy sa Israel, Jordan, at Lebanon ay mayroon nang nakahandang contingency plans bilang paghahanda sakali’t magkaroon ng conflict sa ibang bagao ng Gitnang Silangan.
“Nais namin ipabatid sa inyo na mayroong contingency plans iyong mga embahada natin sa Israel at sa Lebanon pati sa Jordan. Nakikipag-ugnayan kami sa kanila. Matagal nang may contingency plans itong mga embahada kasi palagi namang volatile ang situation doon [Middle East],” ayon kay De Vega.
“Well, naalala ninyo kagabi may ipinahayag iyong mga Hezbollah na sinisisi nila iyong Amerika, iyong Estados Unidos sa gulo pero wala silang sinabi na gigiyerahin nila ang Israel – war is never positive but we have to take it that there’s some welcome news or some positive news that so far we have not seen an escalation,” dagdag na wika nito.
Ani De Vega, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Filipino sa Israel na ang situwasyon sa Middle Eastern country ay lumalabas na nagsimula nang maging normal partikular na sa mga lungsod sa Israeli, kabilang na ang Tel Aviv.
(CHRISTIAN DALE)
175