TULUYAN nang kinansela ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ang 172 courtesy diplomatic passport na inisyu sa mga retiradong ambassadors.
Sa panayam, sinabi ni Locsin na ang maaari lamang umanong gawin ng mga may hawak ng naturang passport ay pumunta sa kanyang tanggapan at posibleng mai-renew ito.
Nauna nang inihayag ng DFA ang kanselasyon ng courtesy diplomat passports na inisyu sa mga diplomats matapos ang nangyari kay dating Foreign secretary Albert Del Rosario na pinigilan makapasok sa Hong Kong airport.
Dadalo sana si Del Rosario sa isang business meeting sa Hong Kong ngunit hinarang sa airport sa kabila ng pagkakaroon ng diplomat passport.
Ilang oras itong pinigil sa airport hanggang ideport pauwi ng Pilipinas.
Agad ding kinuwestiyon ni na Senate President Vicente “Tito” Sotto III Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang paggamit ni Del Rosario ng diplomatic passport, gayong personal na lakad niya ito at hindi kumakatawan sa bansa.
Nangako naman si Locsin na maglalabas ng mas mahigpit ng alituntunin sa pagkakaroon ng diplomat passport.
206