COVID-19 funds ayaw ipadetalye sa Gabinete – solon GAG ORDER NI DUTERTE IWAS BUKING

0

LANTARAN nang nabuko ang pangungupit ni Pangulong Duterte sa multi-bilyong pondo ng COVID-19 funds partikular sa overpriced medical supplies na binili ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) kaya nagpalabas ng gag order sa Cabinet members.

Ganito ang pagtataya ni Senador Leila De Lima matapos atasan ni Pangulong Duterte ang lahat ng miyembro ng Gabinete na kumuha muna ng clearance sa Office of the President bago dumalo sa anomang imbestigasyon ng Kongreso.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang natuklasan ng Commission on Audit (COA) na overpricing sa biniling face mask, face shields at personal preventive equipment (PPEs) noong kasagsagan ng lockdown sa buong bansa na gamit ang pondo ng Department of Health.

Natuklasan ng Senado na nakopo ng Pharmally Pharmaceutical Corporation ang mahigit P12 bilyon mula sa P42 bilyong COVID response funds na pawang overpriced umano ang medical supplies at nalagdaan ang inspection order bago maideliber ang produkto.

“Duterte’s gag order on Sec. Duque and other Cabinet members, preventing them from attending the Blue Ribbon Committee hearing is expected. It was only a matter of time before Duterte resorted to an illegal action to prevent the unraveling of the truth in the Senate hearing,” ani De Lima.

Sinabi ni De Lima na hindi basehan ng gag order ang executive privilege kundi isa itong presidential hubris o kayabangan ng pangulo.

“Duterte will continue to push the government to a constitutional crisis, if only to save the Davao boys in their P8.7 billion plunder the details of which are slowly uncovered in the Senate hearing,” ayon kay De Lima.

Unconstitutional

‘Spoken like a true dictator’.

Ganito naman inilarawan ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pigilan ang mga miyembro ng kanyang Gabinete na iniimbitahan bilang resource person sa imbestigasyon ng Senado sa kontrobersya sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

“President Duterte once again has used his position to undermine the powers of the legislative branch in order to escape accountability over mass corruption in his government,” ayon sa mambabatas.

Bukod sa tunog diktador na ang mga aksyon ng pangulo ay labag din umano sa Saligang Batas ang pagbabalewala nito sa isa sa tatlong sangay ng gobyerno at pag-aabuso din umano ito sa kanyang kapangyarihan.

Malinaw aniya sa 1987 Constitution na may kapangyarihan ang Legislative branch na kinabibilangan ng Senado at Kamara na magsagawa ng imbestigasyon para makagawa ang mga ito ng batas subalit binabalewala ito ng pangulo. (ESTONG REYES/BERNARD TAGUINOD)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment