CPP NAKIRAMAY SA PAGPANAW NI EX- SEN. PIMENTEL

cpp npa12

(NI MAC CABREROS)

NAKIISA ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa pakikipagdalamhati sa pamilya ni dating Senator Aquilino ‘Nene’ Pimentel nitong Linggo.

“Senator Pimentel was a patriot, a democrat and friend of the Philippine revolution,” pahayag CPP sa statement. “The Filipino people and youth thank him for keeping the  memories of past struggles alive,”
dugtong statement.

Iniulat ni Senator Koko Pimentel na pumanaw ang kanyang ama alas-singko ng madaling araw ng Linggo.
Ipinabatid nito na matagal na nakaratay sa ospital ang kanyang ama dahil sa lymphoma, isang uri ng cancer na kumalat sa katawan nito, hanggang sa bumigay ang puso nito.

Ang dating Senate president na si Sen. Pimentel Jr., ay siyang nagtatag sa PDP-Laban. Siya’y pumanaw sa edad 85.

 

178

Related posts

Leave a Comment