(NI NICK ECHEVARRIA)
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philipines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na hayaang makapasok ng bansa si Fidel Agcaoili, ang chief negotiator ng Communist Party of the Philippines/New People’s Army at National Democtratic Front of the Philipines CPP/NPA/NDFP).
Ito ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasunod ng kumprimasyon na nasa bansa na si Agcaoili.
Hindi man tinukoy ni Lorenzana ang lugar na kinaroroonan ni Agcaoili, inamin naman nito na noong isang linggo pa dumating sa bansa ang chief negotiator ng CPP/NPA/NDFP.
Sinabi pa ng kalihim na ang pagpayag ng Pangulo na makauwi ng Pilipinas si Agcaoili ay palatandaan na hindi pa nito tuluyang isinasara ang pinto para sa usapang pangkapayapaan.
Kung ititigil ng mga komunistang grupo ang pagre-reccruit, pagpapalakas ng pwersa, pag-atake sa pwersa ng gobyerno at extortion activities nito, sinabi ni Lorenzana na may posibilidad na muling matuloy ang naudlot na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at CPP/NPA/NDFP.
117