CURFEW, Q PASS IIRAL PA RIN SA GCQ, MECQ – DILG

MANANATILI ang curfew hour at kakailanganin pa rin ang quarantine pass sa mga lugar na isasailalim na sa general community quarantine (GCQ) at modified ECQ pagkatapos ng May 15.

Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, kapag sinabi kasing modified quarantine o modified community quarantine o kung anomang klase aniyang community quarantine ay limitado pa rin ang paglabas at paggalaw ng mga tao.

Aniya, tuluy-tuloy pa rin ang quarantine pass system, pero may pagbabago lamang sa mga padadaanin sa checkpoints.

Kailangan na kasing palusutin sa mga checkpoint ang mga may essential na gagawin tulad na lamang ng mga bibili ng pagkain o bibili ng gamot.

Subalit, sa mga nasa GCQ area na ay kailangan na ring padaanin ang mga papasok sa trabaho.

Pero paglilinaw ni Malaya na mananatili ang curfew, mapa-ECQ o GCQ man ang isang lugar. CHRISTIAN DALE

261

Related posts

Leave a Comment