DA NAGBIGAY NG MAKINARYA SA 6K MAGSASAKA SA NUEVA ECIJA

INIHAYAG ni Senador Cynthia Villar na mahigit anim na libong magsasaka sa Nueva Ecija ang nabigyan ng farm machinery at kagamitan sa pagbubukid na bahagi ng P1 bilyong pondo ng Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF) ng Department of Agriculture.

Sa pahayag, binati ni Villar ang unang batch ng mga farmer-beneficiary na nakatanggap ng machinery at equipment sa ilalim ng P10 bilyong pondo ng RCEF.

Sinabi ni Villar na sa turn-over ceremony na isinagawa sa Philippine Center for Post Harvest Development and Modernization (PhilMech) sa Science City of Munoz, Nueva Ecija, 36 farmer-leader na kumakatawan sa mahigit 6,000 miyembro ng farmer’s cooperative at asosasyon, ang tumanggap ng iba’t ibang uri ng farm machinery and equipment noong June 4.

Sa isang video message na ipinalabas sa naturang event, binati ni Villar, na siyang chairperson ng Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform, ang mga farmer-beneficiary na ngayon ay mayroon na ng kinakailangang gamit upang mapababa ang presyo ng palay at mapahusay ang kanilang kakayahang makipagkumpitensya sa iba pang mga rice supplier.

Sa ilalim ng Republic Act 11203, P5 bilyon halaga ng agri-machinery ang ipamamahagi sa 947 rice producing town sa Pilipinas. Kada bayan, makatatanggap ng 5 milyon mula 2019 hanggang 2024. ESTONG REYES

141

Related posts

Leave a Comment