DA WHO? GOV’T OFFICIAL KUMABIG BAGO BUMABA SA PWESTO

ISANG dating opisyal ng pamahalaan ang prenteng-prente sa kabila ng kanyang naunsyaming karera sa pamahalaan.

Dangan naman kasi, dalawang negosyanteng Intsik ang kanyang nakuhanan ng paunang ganansya kapalit ng pangakong kontrata.

Ang siste, natunugan ng Palasyo ang kanyang diskarteng dorobo, kaya ang resulta – pinagbakasyon na siya nang tuluyan.

Hindi na bago ang modus ng nasabing dating opisyal sa gobyerno. Sa ilalim ng nakaraang administrasyon, sumabit din siya sa kanyang estilo. Ang biktima – kontratistang Intsik na pinangakuan ng kontrata para sa isang reclamation project sa isang baybaying bahagi ng Cavite.

Ayon sa kontratistang Intsik, nakuhanan siya ng “advanced SOP” sa tono ng tumataginting na P450 milyon, kapalit ‘di umano ang lagda ng noo’y Pangulong Duterte.

Ang masaklap, hindi niya nauto si Duterte. Ang perang hinamig sa Intsik, hindi na binalik.

Clue: Favorite song niya: Bato Sa Buhangin.

24

Related posts

Leave a Comment