DAGDAG-BUWIS SA GITNA NG INFLATION INUPAKAN

KINASTIGO ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang pagpapatibay ng liderato ng Kamara sa mga bagong tax measure na dagdag pasanin sa mga ordinaryong Pilipino sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin lalo na ang pagkain.

“Dagdag-sahod ang hinihingi ng mga manggagawa at mamamayan pero bakit dagdag-buwis ang ginawang prayoridad,” pahayag ni Brosas matapos aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang pagpapataw ng 12% buwis sa digital goods and services.

Bukod dito, tuluyan na ring inaprubahan sa huling pagbasa na patawan ng P100 ang bawat kilo ng single-used plastic na wala umanong ibang papasan kundi ang consumers.

“Tataas ang subscription fees sa iba’t ibang digital platforms maging iyong ginagamit sa pag-aaral ng mga estudyante. Under the proposal, the VAT exemption only applies to digital services provided by accredited educational institutions,” ayon sa mambabatas.

Wala aniyang magagawa ang mga consumer kundi lunukin ang bagay na ito dahil kailangan nila ang digital platforms. Ito’y sa gitna ng pagliit ng kanilang sahod habang lumolobo ang inflation rate.

“As for the plastic bags, the P100 per kilo of single-use plastics is expected to be passed on primarily to poor consumers who use plastic bags on a daily basis. Kaya sinasabi natin na regressive ito,” ayon pa sa lady solon.

Dismayado ang mambabatas dahil ipinasa ang nasabing mga buwis sa gitna ng panawagan ng mga manggagawa na itaas ang kanilang sahod. (BERNARD TAGUINOD)

21

Related posts

Leave a Comment