(Ni NOEL ABUEL)
Muling isinulong ni Senador Panfilo Lacson ang panukalang naglalayong pigilin ang pagkalat ng terorismo sa bansa sa pamamagitan ng dagdag na ngipin.
Sa inihain nitong Senate Bill 22, ninanais nitong amiyendahan ang Republic Act 9372 o ang Human Security Act of 2007 upang mas mabigyan ng lakas ang mga mahihinang probisyon na maaring gamitin ng mga teroristang nagbabalak maghasik ng karahasan sa bansa.
“This bill aims to give the government an effective legal framework that would enable it to have a criminal justice response to terrorism. This measure seeks to provide our law enforcement with enough tools to conduct investigations that would enable to them to prevent terrorist attacks before they happen, or in case they are unable to do so, at least bring the perpetrators to justice,” paliwanag ni Lacson sa kanyang panukala.
Sa ilalim ng naturang panukalang batas, lahat ng mga parusang igagawad ng batas ay may katapat na habambuhay na pagkakabilanggo na walang karampatang parole.
Aniya, kung ang akusado ay tauhan o opisyal ng pamahalaan ay tatanggalin sa trabaho, hindi na bibigyan ng pagkakataon na makabalik sa serbisyo at hindi na rin pagkakalooban ng mga benipisyo.
Paliwanag pa ni Lacson, hindi umano kayang sugpuin ng isang anti-terror law ang bantang terorismo subalit ang mas pinalakas na hakbang laban sa mga nais maghasik nito ay isang mabisang instrumento para mapigil ang banta.
“(While an anti-terror law in itself cannot solve the problem of terrorism), an intensified one can give the government and the law enforcement agencies the much-needed tool in dealing with the emerging threats of terrorism,” bahagi pa ng paliwanag ni Lacson sa panukala.
Kabilang sa panukala ni Lacson ang pagpapataw ng mabigat na parusa sa mga sasapi o manghihikayat na maging miyembro ng isang binubuong teroristrang grupo.
Mabigat na parusa sa mga magbibigay ng suporta sa mga teroristang grupo.
293