DAGDAG SA EXCISE TAX BAWIIN NI DU30

matula-duterte

Ni NELSON S. BADILLA

Agad hiniling ng pinuno ng Nagkaisa labor coalition kay Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin nito ang desisyon nitong ituloy ang ikalawang dagdag sa excise tax ng mga produktong petrolyo.

Sabi ni Atty. Jose Sonny Matula sa Saksi Ngayon Newsbreak online, “with President Duterte’s approval of the imposition  P2 excise tax, the burden again will be on the workers’ shoulder.”

Kaya, nararapat lamang na bawiin ng pangulo ang kanyang desisyon.

Kagabi, inihayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno na hindi pinayagan ni Duterte na itulong ang second tranche ng excise tax na itinakda ng Tax Reform Accessibility and Inclusion (TRAIN) Law.

Kaya, simula Enero 1 ay ipatutupad na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at iba pang ahensi-ya ng pamahalaan ang paniningil ng P2 dagdag sa buwis ng produktong petrolyo.

Ang unang tranche ng umento sa excise taax ng produktong petrolyo ay ipinatupad noong Enero 1 ng taong kasalukuyan.

Idiniin ni Matula, pangulo rin ng Federation of Free Workers (FFW) na siguradong “maiiwan na naman ulit ang mga manggagawa. Iyong suspension ng excise tax ay magpapagaan sana ng pabigat sa ordinaryong tao. Kaya, we urge the president  to reconsider his action.”

96

Related posts

Leave a Comment