Dapat bayaran hanggang Hunyo 2020 PHOENIX NI DENNIS UY MAY UTANG NA P30-B SA 11 BANGKO

MAHIGIT sa P30 billion ang utang ng Phoenix Petroleum na pag-aari ni businessman Dennis Uy sa 11 bangko na dapat niyang bayaran sa loob ng unang anim na buwan ng 2020.

Ayon sa local website na bilyonaryo.com.ph, ang P30.167 billion na utang ng Phoenix ay mas mataas ng 40 percent sa P21.479 billion short-term loans ng kompanya noong 2019.

Bago matapos ang taon, ang Phoenix ay may P20 billion pang utang na dapat bayaran. Dahil dito, umaabot sa P50 billion sa P64 billion na utang ng Phoenix ang depat bayarab ngayong taon.

“A third of Phoenix’s short-term loans are accounted for by Multinational Investment Bancorporation, the country’s oldest investment house, with P11.47 billion, or nearly triple its level of P4.304 billion in 2019. MIB’s loans have an interest of 4.25 percent to 6.75 percent,” ayon pa sa bilyonaryo.com.ph.

Dalawang government banks, ang Development Bank of the Philippines at Land Bank of the Philippines, ang may tig-P2 billion short-term loans sa Phoenix.

Napag-alaman na ang LandBank, na may P5.8 billion pautang sa Phoenix, ay nagpapataw ng hanggang 6.5 percent para sa short-term loan, habang ang DBP ay may 5.3 percent.

Ang walong iba pang short-term lenders ng Phoenix ay ang BDO Unibank – P2 billion (total P9.488 billion); Maybank Philippines – P1.2 billion; Asia United Bank – P1 billion; Rizal Commercial Banking Corp. – P1 billion; Union Bank of the Philippines – P1 billion; Robinsons Bank Corp. – P1 billion; United Coconut Planters Bank – P712 million; at CTBC Bank – P443 million.

Ang Phoenix, na may mahigit sa 700 retail stations sa bansa, ay nagtala ng P1.49 billion loss noong 2019, malaking reversal ng P2.77 billion profit ng kompanya noong 2018.

 

115

Related posts

Leave a Comment