DATA AGGREGATORS ‘INABSWELTO’ SA TEXT SCAMS

HINDI dapat ibunton ang sisi sa “data aggregators'” sa pagtaas ng text scams na naglalaman ng pangalan ng subscriber.

Ito ang lumabas sa inisyal na findings ng National Privacy Commission (NPC).

Batay sa mga napaulat na kaso, sinabi ng privacy watchdog ng bansa na ang scam messages “appear to have been sent using specific mobile numbers registered to certain texting services.”

Napag-alaman sa telco players na ang cybercriminals ay gumagamit ng “phone-to-phone (P2P) transmission.”

“Such transmission is usually coursed through a telecommunication company’s regular network and does not pass through data aggregators. Contrary to a P2P transmission, data aggregators use an application-to-phone (A2P) transmission,” ayon sa NPC.

Giit ng ahensiya, patuloy pa nilang hahalukayin ang usapin upang malaman ang pinagmulan at pinag-ugatan ng smishing messages.

Pinag-aaralan din ng NPC ang “patterns” na ginagamit ng mga kriminal sa pag-target ng consumers.

Samantala, lalong nanggigigil ang Kamara sa mga scammer dahil isa sa kanilang kasamahan ang nabiktima at nawalan ng P10,000.

“Kailangang tapusin na ang panloloko nila,” ani Kabayan party-list Rep. Ron Salo dahil kung hindi ay marami pang ordinaryong mamamayan ang mabibiktima ng mga ito.

Inamin ni Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado na nabiktima ito ng scammer.

Ani Bordado, nagpakilalang si Catanduanes Rep. Eulogio Rodriguez ang caller at humingi ng P10,000 donasyon para sa convention ng mga magsasaka sa Bicol.

Nagpadala umano ito ng P10,000 sa pamamagitan ng GCash subalit nang makita niya si Rodriguez ay doon lamang niya natuklasan na hindi ito ang tumawag sa kanya at pinadalhan niya ng pera.

Sa ngayon ay dalawang resolusyon na ang nakahain sa Kamara para imbestigahan ang lumalalang text scam/spam na naging personalized na dahil may pangalan na ng target na biktima. (CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)

153

Related posts

Leave a Comment