DINEPENSAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang mahigit sa P4.5-bilyong alokasyon ng confidential and intelligence funds (CIF) sa ilalim ng panukalang P6.352-trillion 2025 national budget para sa Office of the President (OP).
Sa isang kalatas, sinabi ng DBM na binigyang-katwiran ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang CIF allocation para sa OP para sa susunod na taon, sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Appropriations para sa Fiscal Year 2025 proposed National Expenditure Program (NEP).
“He is the President, commander-in-chief, and the overall architect of national security and foreign policy in the Philippines,” ayon kay Pangandaman.
“These roles require substantial resources to ensure the President can make informed decisions and effectively lead the nation,” dagdag na pahayag ng Kalihim.
Base sa mga NEP document, ang CIF ng OP ay itinakda sa P4.56 billion. Hinati ito sa P2.25 billion confidential fund at P2.31 billion intelligence fund.
Ang panukalang CIF para sa OP ay kapareho ng sa 2024.
Sinabi pa Kalihim na consistent ang OP’s CIF sa P4.56 billion simula pa noong 2022, binigyang diin ang pangangailangan ng pondo para mapanatili ang national security.
Sinabi pa ni Pangandaman na mahalaga ang CIF para sa Pangulo para makasali sa ‘high-level decision-making, manage crises, at tiyakin na mananatili ang Pilipinas na ‘secure at resilient’ laban sa internal ay external threats.
Kung wala ang mga pondong ito, sinabi ni Pangandaman na ang abilidad ng Pangulo na gampanan ang kanyang tungkulin ay makabuluhang mahahadlangan.
Ang CIF sa 2025 National Expenditure Program ay bumaba ng 16% kumpara sa 2024 General Appropriations Act (GAA). (CHRISTIAN DALE)
183